Ampota! Anak ng bulateng kulay tinga! Bakit kasi umuulan eh! Yan pota inulan ako ng kamalasan, dala ng katangahan, katamaran at ... ULAN! Tipikal na Pilipino, dumadating in the nick of time... Walang sinasayang na oras, sasagadin ko ang tulog ko hanggat nasa "safe zone" parin ako ng orasan... Ngunit, subalit, datapwat, but, de-mo... nang dahil sa di maipaliwanag na dahilan, nagpatong patong ang aking mga kamalasan... Tangina talaga... Pero ok lang, mababawasan lang naman ng 30 pesos ang sahod ko, no biggie, pota... sayang yun ah. Kung meron akong sisisihin sa mga nangyari... malamang sisisihin ko yung ulan (pero lumulusot lang ako, kunyari di ko talaga sinasadya na malate, yan ang pinoy, hanggat may pwedeng masisi, sisisihin!)
Umalis ako ng 6:40... Las Pinas - Boni ETA (estimated time of arrival, shinortcut ko na nga, naawa lang ako sa mga mag gogoogle pa ng ibig sabihin kaya eto humaba. PEPE) 1 hour and 30 mins. Pag labas ko ng bahay lakad ng onti, tapos sakay ng trike palabasan. Sa dinami dami ng pwedeng masakyang tricycle eh ang nasakyan ko pa yung tipong aabutin ng syam-syam sa kakapadyak tuwing mamamatayan dahil patigil tigil nga at may school na malapit samin, ayun leche trapik! Di na tumigil ang kamalasan, tuluyan nang tumigil ang trike at napilitan ako maglakad for 5 mins, malapit nadin kasi sa station ng trike yun... kaso nagantay ako ng 10 mins para gumalaw yung trapik tapos di din pala gagalaw ang sinumpang tricycle na yon. Pota!
Deciding factor: kung nadelay ka sa trike, magdasal ka na makakatawid ka kaagad ng main road at makakasakay ng Tas trans na bus (Pinakamura at pinakamabilis na airconbus sa Las Pinas... pinakamabilis din mapuno kaya kung malayo ka sa terminal ng bus, magdasal ka na sa lahat ng kilala mong santo! Pwede mo din lokohin sarili mo na espesyal ka *tulad ko, at seswertihin ka na makasakay hehe). Hindi ako nakasakay. Buwisit naman oh, nasingil na nga ako ng mahal ng bus na nasakyan ko, nalate pa ako hahaha. Palihis muna sa kwento... dito na mapupuna ang kagalingnan ng mga Pilipino:
Konduktor: Pausog lang po serr, mam pausog lang po para makapasok ang iba.
Pinapausog: *dedma
Ako: (sa isip) tangina dami talagang tangang pinoy ah... ayaw pa umusog eh no...
Pinapausog: (pabulong) PUTA
Ako: (sa isip) hahaha, tanga talaga, uusog din pala, walang paninindigan to haha...
Lalaki sa likod ko: (may kausap sa telepono) Hello! Kumusta na? Ang ingay dyan sa inyo ah! Nanjan asawa mo no? Sige mamaya nalang ako tatawag, hehehe.
Ako: *humarap sa likod - Tangina mo ang ingay mo! Punitin ko anit mo eh! -----------> wag pansinin ang linyang to, pwang kasinungalingan lamang.
Buti nalang at may 50 cents yung bus na nasakyan ko, kasi madalas ganito nangyayari eh...
Konduktor: sir may 50 cents ho kayo?
Ako: wala eh
Konduktor: *walang ibibigay na sukli - Wala na ho kasing barya sir eh. *sabay alis
Eh pano kung 500 tao ang hindi nya nasuklian ng 50 cents? Easy money si gago. Kaya kayong mga bus, kung magpapabutal kayo sa pamasahe nyo, maghanda kayo ng panukli... kung hindi... humanda kayo sakin... di nyo alam kaya kong gawin... seryoso ako.... maghahanda ako ng 50 cents ko para bigyan mo nalang ako ng piso hahaha!
Akala ko aabot ako dahil nangangalahati na sa expressway ang bus, naisip ko... waw bilis! yun pala pagdating sa kalahati... waw tangina ang trapik. Inisip ko nalang espesyal ako ulit at ginamitan ko ng aking "special powers" pero walang nangyari eh... tinaggap ko nalang na malalate nga ako.
Pagdating sa MRT station, lumabas nanaman ang pagiging ANGAT ng mga pinoy sa mga hayop. Puta, hayop nga marunong pumila, pero mga pinoy hindi. Nakakabanas kapag lagi kang nasisingitan tapos wala kang magagawa dahil iniisip mo wag nalang palakihin dahil lahat tayo nagmamadali. Wag ganun... gayahin mo ko... wala lang, wag na pala, wala din naman ako ginawa sa mga sumingit sakin eh, pinalagpas ko nalang... may araw din kayo... mga singit... hilurin ko kayo eh!
Napakadami ng tao kanina, sa Bus palang parang akala mo refugee vehicle yung bus eh. Lahat ng madaanan pinapasakay. Ano pa kaya yung MRT? Ganun ba talaga? Sabi ng kaibigan kong si nel, parang mga palaka daw mga tao, pag umuulan dumadami, meron din isa pang version nun eh, mga gremlins daw (pero baka di mo alam yon kung di kita kapanahon, bagets na bagets ka pa kung ganun), mas trip ko palaka eh, mas madaming syllables... kewl.
Andaming mapupulot na aral sa blag post ko na to ah! Hwaw! Amazing (AR style)! Bukas kahit umuulan pa, kelangan maging handa na ko' gigising ako ng maaga at aalis ng maaga. Aba may paninindigan ata to... kaya ngayon tulog mode muna... Buti nalang, hindi sing ingay ng mga palaka ang mga tao, dahil kung ganun isusumpa ko talaga yun ulan (at ipapaadobo ko din ang mga maiingay)... time to fly!
Eto na to!!!
17 years ago

4 comments:
puneh nga! Marami talagang mga tangang Pinoy! Nakakaasar nga yung mga pinapausog pero minsan nakakaiinis din yung mga konduktor pano sasabihin 'maluwag pa maluwag pa' pagpasok mo, oo nga maluwag pa para sa mga gustong tumayo, tae!
Easy money talaga ang butal na 50 cents...abusoo..
" lumabas nanaman ang pagiging ANGAT ng mga pinoy sa mga hayop. Puta, hayop nga marunong pumila, pero mga pinoy hindi"
--well said...
sarap talaga ng buhay pinoy nyahahahaha...
ang pinoy...
-mali na nga nagmamagaling pa
-tama na nga nagmamagaling pa
-magaling na nagmamagaling pa
magaling!
mas lalo nakakabadtrip ung binigyan mo ng malaking pera gaya ng 100 or 200 tapos sasabihin sayo "Mamaya na ho sir ung sukli, wala pa hong barya"
eh pano kung makalimutan? fotaness hahahahaha!
Post a Comment