Tuesday, July 15, 2008

Introduksyon - ULTRAMAN

SHYAH! Naalala mo ba si ultraman? Siya yung lalaking payat na nakacostume ng tights, tapos yung ulo nya, sabi nga ng erpats ni nel, parang butiki daw. Siguro nga parang butiki... tapos ang madalas nyang kulay pula kundi naman blue, nung isang beses meron ding itim (siguro itim nga un, pasensiya na dahil colorblind ako). Nalimutan ko na ang origin ni ultraman, basta ang alam ko mabuti siyang nilalang... at kung di mo siya kilala... malamang di mo din kilala ang barkada nyang ultraman family at mask rider, isama na natin ang suki nyang kalaban na itatago nalang natin sa pangalang "RUBBER LIZARD MONSTER". At kung di mo nga kilala ang mga nabanggit ko... namiss mo ang kalahati ng buhay mo hehe... (oks lang kung di mo talaga sila kilala at wala ka din balak na kilalanin sila, wag ka papaapekto sa mga sinasabi ko... oooopppp, i gogoogle nya na yan ohh!)

Karagdagang kaalaman... mapapansin ng mga Ultraman fans ang zipper na nasa likod ng suit ni ultraman... ano kaya yon? Eh kung hilain yon nung rubber lizard? Eh pano naman kung mainggit si Ultraman sa power rangers at nagdesisyon sya na magkaron' ng MEGAZORD?

Bakit nga ba bigla ko naalala si ultraman? (Dahil sa usapan namin ng kaibigan kong si tope?) Dahil din ata sa lindol na sinabing magaganap daw sa byernes, july 18, 2008 - lalabas daw kasi yung rubber lizard monster eh gyahahaha at pipiliin na ang magiging ULTRAMAN. At dahil din sa madaming mga talents na kayang gawin ni ultraman na hindi ko kayang gawin. Ang maganda kay ultraman hindi siya de gas, kaya wala siyang pinoproblemang gastusin... lipad lang pwede na di kelangan ng other modes of transportation. Kaso ang problema nga lang nya 3 minutes lang ang transformation nya, eh mas matagal pa yung oras na ginugugol ko sa pagsasalamin sa cr kesa sa alotted time nung transformation eh... not enough.

Sa panunood ko ng ibat ibang ultraman mula nung pagkabata ko, isa lang ang tema ng kwento... katulad ng iba pang kamaganakan na palabas ng ultraman... ang laging tema ay "sense of justice"... sa tagalog... di ko alam hehe... basta yun yon. Ang mga ginagawa ni Ultraman, para sa ikabubuti ng nakararami... kahit na sinisira nya ang buong city sa bawat fight scene nya pero pagkatapos naman wala naman nasira pag pinakita na yung city in a normal persons' view. Wirdo amp. Tinataya ni Ultraman ang buhay nya sa bawat laban, tapos wala pang hinihinging kapalit! Idol talaga, panis si robin dito hehe! Kaya hangang hanga talaga ako kay ultraman............ dahil kaya nyang lumipad gyahahaha!

Hindi talaga tungkol kay ultraman ang blag na to', basta lang... katulad ng malaking porsyento ng mga blagger na nagbablag ng kung ano ano... magkakaron ng direksyon to pramis... basta next time... mauubos na 3 minutes ko eh (kuno)... *alis

1 comment:

Anonymous said...

pekpek, Ultraman ampupu...