Hindi yan brown noh! Black yan!
Dahil tinatamad na akong mag google, sskip ko na yung mga nagpapahaba sa kwento... May kakilala ka bang "color blind" ? Cute no? cute? di nga? sabi ko na eh! ... Cute sila kapag pinipilit nila na tama sila sa pag a-identify ng kulay? Hindi? Parang tanga lang? ...
Panimula, sa mga nagaakalang ang mga taong color blind ay black and white lamang ang nakikita MALI KA! Sa iba namang nagaakalang ang taong color blind ay may mga kulay na hindi nakikita tulad ng green at red na madalas gawing example ng mga naging guro ko MALI DIN KAYO! Sa totoo lang, ang mga taong color blind ay hindi lang talaga alam ang tawag at madalas hindi makita ang kaibahan sa dalawang kulay na talaga namang magkaiba ngunit halos magkaparehas lang (sa pananaw ko yon) Halimbawa:
Color Blind: Oi ikaw!
Red: Ako?
Color Blind: Hindi yung kakambal mo!
Brown: Ako ba?
Color Blind: Oo ikaw nga RED!
Brown: Di ako si RED! Kaw talaga! Ako si BROWN!
Red: Oo nga! kelan mo ba talaga mamememorize ang mga pangalan namin?
Color Blind: Amm... Never... because of genetical issues?
Brown + Red: OMG! WTF! ROFLDOFL! for teh LOST!
Color Blind: QQ (cry/cries quietly po yan, para di mo na igoogle... nakakarami na ng advertisment sakin ang google ah... hmmm...)
Sa mga ganitong pagkakataon, mas mabuting tanungin mo nalang ang taong color blind kung ano ang itsura ng bagay na sinasabi nya dahil kung kulay ang tatanungin mo, asa ka pa. Mas maganda din kung tatanungin mo sakanya kung alam nya nga ba ang kulay ng isang bagay na madalas nyang nakikita/ginagamit... para naman di siya matulad sa isang taong kilala ko:
Taong kilala ko 1st year: *isip - (itim pala yang pinto ng class room)
...
Taong kilala ko 4th year: *isip - (itim ang kulay ng pinto ng class room)
Classmate: (matapos maging close sa taong kilala ko) Ano kulay nung pinto?
Taong kilala ko: *confident - itim yan!
Classmate: LOL! ROFLMAO! HAHA! Di noh! Dark Green kaya yan!!
Taong kilala ko: *nilabas ang deathnote at nagsulat - (scribble... scribble... scribble...)
Classmate: *inatake sa puso - (UUUUGGGGGGGHHHHH!!! ... LOL)
Taong kilala ko: ahh... dark green pala yon! ... hehe
Gusto nyo pa ng additional examples? Meron ako nyan! Fres na fres! tindi ng fresness! (sabi nung lalaki sa colgate na patalastas... pota) Mejo kanina lang, sa isang taong kilala ko din nangyari...
Classmate: Ano kulay ng pants nya?
Taong kilala ko din: *hindi confident, alam nya na magkakamali siya - Ahhmm... Black?
Classmate: No! Di kaya! Haller? Dark brown kaya yan!
Taong kilala ko din: Hindi yan brown noh! Black yan!
Classmate: *w/o showing any mercy - haha color blind ka talaga!!
Taong kilala ko din: malamang?
Kaya kumusta naman yon'? Kumusta naman a... yung mga taong kilala ko? Mabuti nalang at medyo buong buhay nung mga taong kilala ko eh ganun na ang experience nila kaya medyo ok ok narin, walang kaso, tuloy ang ikot ng mundo. Pasensya na kayo, mga taong kilala ko, sa hindi maipaliwanag na dahilan, di ko kayo matutulungan sa problema nyo, magtanong nalang kayo sa iba kung ano yung kulay ng bagay na gusto nyo malaman ang kulay... obvious ba black and white na nga tong blag ko eh! Wag nyo silang kaawaan... Normal sila... Wag nyo din pagtripan, dahil mas tripper sila kesa sa inyo. Mahalin, wag babuyin... iba na ata yun hehe basta yun na yon.
Magkaganun pa man may maganda din namang nangyari sa buhay ng taong kilala ko din...
Taong kilala ko din: *fish lips (ginagaya ung bibig ng isda para di maxado ngumiti at maging obvious)
Babae: hi!
Taong kilala ko din: *fish lips
Babae: tingin*
Taong kilala ko din: ngiti* haaaii!
Amm... End?
Reminders:
Abangan ang ikatlong yugto... wag kukurap... abangan mo lang... hala... sige... magpauto ka pa... kekekeke.... peace! Manood ng charlie the unicorn Part 1 and Part 2 - inspirational yang mga yan. Sa uulitin mga ultrafriends. *Tulog mode...
Eto na to!!!
17 years ago

1 comment:
Waaaaaahahhhahaha!! ang kulet nung charlie pota! HAHAHA!
CHARLIEE CHARLIEEE!! THE AMULET!! SPARKLE SPARKLE! hahhhahaha
Post a Comment